20
Mar
08

[poem] sampung taludtod ng sakit at hinagpis

Sampung Taludtod ng Sakit at Hinagpis”

nakatitig sa kalawakan,
nakatingin sa kawalan.
iniisip ang kasagutan,
kung bakit ka ganyan.

ilang araw na ako ganito,
wala sa sarili at parang nalilito.
ninanais na ang puso’y huminto,
at malaman mo ito.

mahal kita,
ikaw lang talaga.
ngunit bakit sadyang masama,
ang pagtrato ng pag-ibig sa tuwina.

ilang araw na umiiyak,
nakatingin sa kawalan.
ilang araw na umaasang,
ika’y aking mahahagkan.

isang saglit,
buhay ay nawala.
puso’y tumigil,
sa pagmamahal at pagtibok.

dugo’y bumabalot,
sa ginamit na panugat.
sa mga munting pulso,
sa aking mga kamay.

ito sana’y malaman mo,
dahilan nito’y sa’yo.
sa pagmamahal na ibinuhos ko,
na sinayang at binalewala mo.

sadya bang ganito?
pag-ibig ay maloko?
mag mahal ka’t masaktan,
tatalikuran ka’t iiwan?

minahal kita ng buong-buo,
ngunit ito’y binalewala mo.
nagalay ng buhay para sa’yo,
para mapansin mo lang ako.

lahat ay ginawa ko,
para lang ako’y mapansin mo.
pagmamahal ko’y totoo,
ngunit ito’y sinayang mo.

©leo.banares


0 Responses to “[poem] sampung taludtod ng sakit at hinagpis”



  1. No Comments Yet

Leave a Reply




 

March 2008
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Categories

Archives

Twitter