20
Mar
08

[poem] sa huling oras

Sa Huling Oras

Kay lamig ng simoy ng hangin
At aking naaalala ang pagsasama natin
Sa tawa at iyak, lungkot at saya
Ikay kasakasama kahit san man magpunta

Nang aking aamining ika’y aking mahal
Ika’y dahandahang lumisan sa aking pagmamahal
Bakit kay sakit ng iyong paglisan
Tila ako’y binaril sa aking munting puso

Napagisipan kong magpakamatay
Para matapos na ang aking buhay
Para ako’y wala nang mahalin pa
Dahil ika’y minamahal pa

Sa huling lagok ng aking hininga
Aking dinarasal na sana’y ikay magpakita
Sana’y masabi ko sayo ang aking nararamdaman
Na ako’y masaya kung ika’y may iba nang minamahal

Sana’y mahalin mo siya ng lubos
At huwag siyang paglaruan ng lubos
Siya na sana ang iyong napiling mahalin
Para ikaw at ako’y lumigaya na sa tingin

Nais kong makita ang iyong mukha
Mukha na kay ganda tila isang santa
Nais kong mahaplos ang iyong mga kamay
Para ako’y masayang mamamatay

Sa aking libing nais kong makita ka
Masaya’t hindi umiiyak dahil saking pagkawala
Sapagkat ngayong kapiling ko na
Ang ating tagapaglikha

Aking tatanungin kung maaari ba
Ako’y maging iyong anghel
Sapagkat ayokong ikaw ay makitang malungkot
At nais kong makapiling ka pa ng matagal

©leo.banares


0 Responses to “[poem] sa huling oras”



  1. No Comments Yet

Leave a Reply




 

March 2008
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Categories

Archives

Twitter