20
Mar
08

[poem] bakit ba?

Bakit Ba?

bakit ba ganito?
lahat nalang ng ginagawa ko,
lahat ng sinasabi ko,
wala lang sa’yo.

bakit ba ganito?
puso ko’y sugat ang natamo.
inamin ko lang naman sa’yo.
na ikaw ang isinisigaw ng puso ko.

umiiyak na naman ako.
alam ko iniisip mo,
na ako’y isang mahinang tao,
na walang ginawa kundi umiyak para sa’yo.

mahal kita, oo inaamin ko.
ndi ko makaya na mawala ka sa piling ko.
sa’yo umiikot ang mundo ko,
lahat ng ginagawa ko para sa’yo.

bakit ba ganito?
ang tanga-tanga ko pagdating sa’yo?
kahit sabihin ko ang totoo,
ayaw mo parin sa isang tulad ko.

mahal kita ng buong-buo.
hindi ako nakikipaglaro sa’yo.
mahal kita, seryoso ako.
kaya lahat gagawin ko, mamatay man ako.

©leo.banares


0 Responses to “[poem] bakit ba?”



  1. No Comments Yet

Leave a Reply




 

March 2008
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Categories

Archives

Twitter